Sunday, December 9, 2007

wala, wala naman..

by: dejas



PERPEKTO

Dong Abay

ikaw ay nagdaramdam,
puso ay nagdurugo..
hindi mo yata alam kung san ka patungo.

ikaw ay naliligaw , isip ay nalilito ..
ayaw mo ng gumalaw, hindi ka sigurado..


ikaw ay napupuwing, minsan nabubulagan..
mata ay nakapiring - daan ay kadiliman.

ikaw ay nadadapa, napipilayan din ..

di makapagsalita
anung ibig sabihin?


wala, wala namang...
wala namang perpektong tao..
ano ba ang epekto
kung meron kang depekto?


ikaw ay nawawala, minsan ay nawawalan..
di ka naniniwala, puno ng alinlangan.

ikaw ay nanliliit ..
ligtas ka ba sa rehas ?

bakit ka nakapiit?
bakit ka tumatakas?


ikaw ay natatakot,
parang walang hangganan..

ang kirot ng bangungot
di mo makalimutan ..

ikaw ay nanlulumo
bilang na ba ang araw?

gusto mo ng sumuko,
mundo ay nagugunaw..

ikaw ay inaalon,
walang kalaban-laban..
tuluyang nalulunod tungo sa kalaliman..

ikaw ay nalulula, agad kang nahuhulog..
..babagsak sa lupa, at biglang madudurog.


ikaw ay nagdurusa, kaya pa bang tumagal?
hindi na makahinga, lalo pang nasasakal.
ikaw ay dumadaing , dala mo ba ay sumpa ?

para kang ililibing at ipinagluluksa...


wala...
wala namang...
wala namang perpekto..

anu ba ang epekto,
kung meron kang depekto?

wala namang perpektong tao...




No comments: